Wednesday, February 06, 2008

paid blogging-mahirap din pala

haay! kamakailan lang, sa yahoogroups na kung saan kasali ako, napag usapan ang paid blogging at karamihan ay interesado talaga, ang iba ay ginagawa na..interesado rin ako, kasi sabi nga talagang magkakapera ka daw..gustong gusto ko talaga..

pero, hindi naman ako maalam sa blog blog- nagba-blog ako kasi gusto ko lang maisulat ang nararamdaman ko, yung una kong blog,ginawa ko yun dahil na-engganyo ako na i document ang preparasyon sa kasal namin katulad ng ibang mga ikakasal noon...

ngayon, di pa rin ako masyado maalam..sa mga code code na yan..java script, html, RSS at meron pa yatang CSS...napaka kumplikado..sinusubukan kong aralin online..pero siempre may trabaho naman ako at wala ako masyadong maraming oras na nakalaan para dito. minsan nga..nakaka guilty na kasi di ko maiwasan na kahit oras ng trabaho nag-aaral ako tungkol sa paid blogging..katulad ngayon,nagpo-post ako samantalang nasa opis pa ko..kunsabagay..30 minutes na lang uwian na..hehe!

naglagay ako ng mga adsense sa dalawang blog ko..kasi sabi nila pwede din daw magkaroon ng extra income dito,siempre gusto ko yan di ba? so far kaninang umaga ni check ko ang adsense account ko, meron na daw ako $0.41 earnings..haha! sana dumami pa..pero medyo matagal ko na din nilagay ang mga adsense na yun, at sa loob ng mahabang araw na yun 4 lang ang may click..sabi sa report...tsk..tsk...kelan kaya ako makaka $1.00??

wala naman yata kasi nagbabasa ng blog ko...meron man yun lang siempre mga binabasa ko ding blogs..

wish ko lang..ako man din pagdating ng araw ay magkaroon din ng extra income dahil sa pagba-blog.

3 comments:

  1. Anonymous5:12 AM

    pwede ka talagang makakapera sa blogging. just kept blogging lang kahit ano ano lol! just keep posting tapos join ka sa mga paid blogs. like PPP, blogvertise etc. talagang makakapera ka like me. Just don't forget to post anything in your blog. if u have any questions you can aske me and I will help you:) good luck blogging:)

    tsak aoo naman no meron bumabasa sa blogs mo oh diba ako bumasa? lol

    ReplyDelete
  2. Hey! I'm reading your blog ok so don't despair. LOL :p

    ReplyDelete
  3. ok lang yan. ganyan talaga sa umpisa. by the way, ano yung group sa yahoo para join ako :)

    ReplyDelete