Wednesday, September 05, 2007

nakakapagod....

tagalog muna..sensha na..

hmnnn..napapagod na ako, actually,pagod na ako mag computer pero sige type pa rin. mamaya pagdating ko sa house mag aaral panungkol sa Condensed World Mission Course na sinimulan kahapon,isang buwang pag aaral din ito,tuwing Martes at Huwebes,akala ko parang seminar type lang yun, nun pala may mga assignments at ang daming babasahin, kinailangan ko i cancel ang leadership/discipleship training sa Alabang na sana ay magsisimula na ngayong gabi, pasensha na po pero tao lang napapagod din,kahit nahihiya man akong mag cancel sa nauna ko nang ino-oohan..pero hindi ko na po talaga kaya.

Ewan ko ba, dati parang hindi naman ako nakakaramdam ng pagod,ako yung tipong di naman sanay na walang ginagawa o kakaunti ang ginagawa...kasi lagi kong naiisip sayang ang oras, ngayon sa dami ng dapat kong gawin at tapusin kinukulang na oras para sa akin.

Nag-iisip na ako kung ano ang dapat kong bitawan, yung CE Borad ba? yung sa Batang Krayola ba? (iniisip ko palang iwanan mga batang yun nakakalungkot na) o ang pagkanta ba? hindi naman kagandahan ang boses ko,naawa na nga lang yata asawa ko sa akin dahil siya ang lider ng music ministry at dahil sa mahigit 2 buwan nya akong pinagsanay, tinanggap na rin ako..

Sa totoo lang stress na stress ako sa madaming kadahilalanan..at nami-miss ko sana yung mga relaxing moment...pero di ko pa kayang i-afford ngayon yun..

Mag re-relax na lang muna ako sa pamamagitan ng pagsusulat..:)

No comments:

Post a Comment