Showing posts with label entertainment. Show all posts
Showing posts with label entertainment. Show all posts

Thursday, August 13, 2009

Joey De leon's poem for Willie Revillame

Tula ng Protesta, 09 Agosto 2009
ni Joey de Leon

Wala na sa piling ng mga Pilipino,
Tinig ng awiting Mga Kababayan Ko ,
At lumisan na rin noong isang Sabado,
Inang nagpalipad sa awiting Bayan Ko .


Ako’y sumasaludo, paalam Pangulo,
May isa ‘kong lihim, kay tagal itinago,
Sa lahat nang inabot kong mga namuno,
Tanging ikaw lang sa luha ko’y nagpatulo.


Marami ang nalungkot sa iyong pagyao,
Magalang ang lahat at puno ng respeto,
Nagpasalamat pa nga Kapamilya sa ‘yo,
Dahil kanilang himpilan naibalik mo.


Subalit ano itong nabalitaan ko?
Nangyari noong Lunes, a-tres ng Agosto,
Habang inililipat ang mga labi mo,
Ika’y parang nabastos sa isang
TV show.

At ang napakasaklap at masakit dito,
Ang nambastos pa’y kapamilya ng anak mo,
Napanood ito ng tao at publiko,
Kakaunti na nga, ngunit lahat nahilo.


Sabi ng
TV host na mainit ang ulo
Pagkakita sa
video na kanyang kasalo,
“Sandali, meron akong ano… sa’ting ano…
Hindi naman sa ano,” nagkaanu-ano!

Ayon sa
Internet, meron pa s’yang nasambit,
“Sana pakitanggal muna ‘yan sa’ting
traffic …”
At ‘di maaalis sa iyong pag-iisip,
Ang parada ng patay ang pinaliligpit!


At dagdag pa daw ng naghahari-harian,

“I don’t think na dapat n’yong ipakita iyan…”
Nasaan naman ang paggalang, o nasaan?
Mga sinasabi natin minsa’y pag-ingatan.

At ‘di pa nangimi nang sumunod na araw,
Pinilit pa ring ginawa n’ya ay tama raw,
Mga nakarinig ‘di na nakagalaw
At ayon sa iba sila na la’y napa-
wow!

“… Pero ako, totoo ‘ko eh … “, sabi kuno,
Totoo nga at totoo ring walang modo,
Pwede namang sabihin itong pa-sikreto,
Kaya’t wala na rin mga paliwanag mo.


“Kung ganyan, pakita na lang ‘yan!”, ang hamon pa,
Para bang ang prusisyon nila-“lang - lang” lang ba,
Ang pangasiwaan ay pinapili pa n’ya,
Sumunod ang himpilan, nung
August 5 wala s’ya.

May mga komentong pwede nang pang-harapan,
“On camera” baga sa TV ang tawag d’yan
At kung sensitibo man ang gustong bitawan,
Pagpasok ng
commercial, hintayin mo na lang.

Matutong magbaba muna ng mikropono
At saka idikta lahat ng iyong gusto,
Lagi kang mataas lahat daw takot sa ‘yo,

Ratings lang ang mababa — totoo ba ito?

The breaking news breaks your heart — at ‘yan ang bawi mo,
Nang mahalata mong sumablay ang pasok mo,
Pero sigurado ika’y maa-abswelto,
‘Di ba ikaw rin ang may-ari ng
network n’yo?

Nung Hueves nag-
apologize sa diario naman,
O, akala ko ba wala kang kasalanan,
Tapos ng angalan, sunod paliwanagan —

COMPLAIN before you EXPLAIN ka na naman!
O ito kaya ay isa na namang
“glitch” lang,
Tulad ng
“two-zero” ‘di na natin nalaman,
O ito ay maliwanag na kabobohan?
Sa tingin ng marami, mahirap lusutan.

Ang sabi ng iba — istupidong mayabang,
At giit ng iba — istupidong mayaman,
Mayaman man o mayabang ang tiyak diyan,
Napakayaman n’ya sa kaistupiduhan.

Buti pa ang apat na
honor guards ni Cory —
Sina
Malab, Laguindan, Rodriguez, Cadiente,
Walong oras tumayo sa ulan at viaje,
Ang lahat ay tiniis at walang sinabi.

Samantalang ikaw na may bubong sa ulo,
Komportable ka lang sa malamig na
studio,
Nang kapirasong libing sa
TV sumalo,
Angal at inis ang sumambulat sa iyo.

Maaari din namang pabayaan na s’ya,
Subalit ang nangyari’y mabigat talaga,
Namayapang pangulo’y huling paalam na,
‘Di mo pa pinagbigyan … hoy, nag-iisa ka!

At nais ko lang sabihin at ipagyabang
Sa mahigit na s’yam na libong tanghalian,
Sa limang pangulong sa Bulaga ’y dumaan,
Kahit isa wala kaming nilapastangan.

Tuesday, March 10, 2009

Eheads at summer

Pinanood ko ang I-witness kagabi, kahit medyo late na ang timeslot nila. Kasi they featured Eraserheads and of course I am a fan. Si husband nanood din kahit hindi naman niya masyado gusto and banda ng masa pero mukang na impluwensiyahan ko na. (hehe!)

Sayang, di ko napanood ang Final set concert nila. For sure matagal na ulit itong mauulit or baka hindi na maulit pa. Di naman masyado nagsalit si Ely Buendia sa interview, he’s really a man of few words. Nungtinanong sha if ano ang ibig maalala nya pag binanggit ang eraserheads medyo matagal siyang di naksagot tapos ngumit sabay sabi na “banda ko dati”. O di ba?

Napapansin nyo ba? Grabe ang init ngayon, ditto sa office dati pag naka full ang gaircon kailangan ko ng mag jacket or else manginginig ka sa lamig, ngayon umaga pa lang naka full na ang aircon at ok lang sha sa akin, kaso paglabas mo ng office eto na, sobrang init lalo na sa tirahan naming eh siempre di naman kami naka aircon dun. 2 electric fan kulang pa.

Summer is here and hope summer won’t stay long. Ang hirap pag masyado mainit nag panahon. Pero sana rin bago man lang matapos ang summer makapg beach naman ako. Miss ko na beach.

Friday, January 30, 2009

Eraserheads Reunion Concert Part 2


Yes, it's happening on March 07,2009 at SM Mall of Asia Open Grounds. I was a fan of Eheads and I think I am still but..

No, I am not going to see the concert. Here's why?

First, Hubby won't allow me and he is not a fan.

Second. It is at the very least of my/our priority.

Third, I don't have budget for that and if ever hubby allowed me i don't want to settle for the Bronze ticket. Siempre I would love to be in the front.hehe!

So for those of you who are going. ENJOY THEM ONCE AGAIN!! and know that I'm so jealous.